Lolo nalunod; Lola patay sa sagasa ng motorsiklo

0
250

Jomalig, Quezon. Dead on arrival sa ospital ang isang 69 anyos na lolo matapos malunod sa dagat sa Barangay Bucal, bayang ito kahapon.

Kinilala ni PLt. Roldan Gallenero, OIC chief ng ng Jomalig Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Antonio Andres na residente ng nabanggit na bayan. 

Ayon sa ulat ng Jomalig MPS, nagpasyal ang pamilya Andres sa dagat sa Brgy. Bucal na  bantog sa malakas na alon na paborito ng mga surfers.

Nag iinuman ang magkakamag anak sa dalampasigan ng magpaalam ang matanda na lalangoy sandali sa tubig. Makalipas ang isang oras, nakita na lamang ng mgackapamilya na palutang lutang sa dagat ang katawan ng biktima.

Walang nakitang foul play sa bangkay ng biktima.

Sa bukod na insidente, patay ang isang 80- anyos na lola matapos mabundol ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Calauag- Guinayangan provincial road kahapon bandang 10 ng umaga.

Kinilala ni PMajor. Reynaldo Panebe, hepe ng Calauag Municopal Police Station ang biktima na si Nelia Encallado na residente ng Poblacion, Calauag Quezon. 

Ayon sa report binabagtas ng motor na minamaneho ni Erickson Lasalita ng biglang tumawid ang biktima. 

Ayon sa driver ng motosiklo, hindi na niya naiwasan ang  matanda na nagpabalik- balik sa pag- alangan sa pagtawidkung kaya’t tuluyan na  itong nakaladkad ng motor.

Bataysa record ng pulisya, nagkaroon na ng kasunduan ang magkabilang panig para sa pag aayos ng danyos.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.