Lomobo sa 10K ang mga bagong impeksyon sa PH: Calabarzon may new active cases na 1,719

0
139

Umakyat sa 10,775 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) infections sa bansa, ayon sa report ng Department of Health (DOH) kagabi.

Ayon sa Covid-19 bulletin ng DOH, ang mga bagong kaso ay nagdala sa bilang ng active cases na 39,974 mula sa kabuuang 2,871,745 na confirmed cases mula nang magsimula ang pandemya.

Sa mga aktibong kaso, 33,866 ang mild, 3,020 ang moderate, 1,294 ang asymptomatic, 319 ang kritikal, at 1,512 ang malala.

“Of the 10,775 reported cases today (January 5), 10,688 (99 percent) occurred within the recent 14 days – December 23 – January 5, 2022,” ayon sa report ng DOH.

Ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 7,420 o 69 porsiyento ng mga new cases; Calabarzon, 1,719 o 16 porsiyento; at Central Luzon, 798 o 7 porsyento.

PNA photo by Ben Briones

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.