Calamba City, Laguna. Ipinakilala ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pang-turismong programang “Love Laguna” sa mga stakeholders na binubuo ng mga tourism officers ng mga bayan at lungsod, at mga pribadong organisasyon na nasa sektor ng turismo sa lalawigan.
Sa programang ginanap sa Chateau Genevie sa nabanggit na lungsod kahapon, ibinalita ni Hernandez na mayroon ng mga app at website na nagpapakita ng lahat ng detalye ng mga tourist destinations, mga produkto, mga activities, at mga serbisyo sa Laguna. Layunin nitong mapadali ang mgamapaplano ng ‘perfect trip to Laguna.’
“Hangad ko po na sa pamamagitan nito ay mas maibida pa ang mas maraming dahilan to Love Laguna. Kaya abangan ang grand launch ng Love Laguna, malapit na!,” ayon kay Hernandez.
Ang grand launching ng Love Laguna ay itinakda noong 2021 ngunit dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi ito natuloy.
“Hindi po tayo tumigil sa pagtatrabaho para sa programang ito. Bagaman at nahuli tayo ng isang taon sanhi ng pandemya ay lalo pa itong pinalakas at pinagbuti ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office (LTCATO) at ng mga kasama sa proyekto gaya ng Smart at PLDT,” ang pagtatapos ng gobernador.
Bisitahin ang Facebook page ng Love Laguna sa https://tinyurl.com/2p83pzdz
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.