LPA, ‘habagat’ magdadala ng pag ulan sa buong PH

0
208

Maraming lugar sa bansa ang makakaranas ng mga pag-ulan dala ng habagat at low pressure area (LPA), ayon sa weather bureau kanina.

Sa kanilang 4 a.m. weather bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling natunton ang LPA sa layong 95 kilometro hilagang-kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.

Dahil sa dalawang weather system, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Mimaropa, Kanluran at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Misamis Occidental, at Lanao del Norte.

Ang mga flash flood o landslide ay malamang sa panahon ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan dulot ng habagat at localized thunderstorms.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang iiral sa Northern Luzon at sa kanlurang bahagi ng central at Southern Luzon.

Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan, ayon sa PAGASA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.