LPA sa labas ng PAR, may mataas na tsansa maging bagyo

0
536

MAYNILA – Mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng 24 oras ang low pressure area o LPA na nasa labas ngayon ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA nitong Martes ng madaling araw.

Sa 4 a.m. update ng ahensya, sinabi nitong huling namataan ang LPA noong 2 a.m. sa layong 1,290 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Inaasahan itong makapasok sa PAR pagsapit ng Miyerkoles bilang isang tropical depression.

Pangalanang Wilma ang ibibigay dito kapag tuluyan itong lumakas bilang tropical depression.

Ayon sa ulat ng PAGASA nitong Lunes ng gabi, katamtaman pa ang posibilidad na maging tropical depression ang naturang LPA. Ngunit sa pinakahuling pagsusuri, tumaas na ang tsansang ito.

Sa Tropical Cyclone Threat Potential Advisory ng ahensya, mababa hanggang katamtaman ang posibilidad ng pagbuo ng tropical cyclone sa unang linggo ng Disyembre.

Kapag naging tropical depression, inaasahang tatawirin nito ang CARAGA, Visayas, at Southern Luzon.

Sa ikalawang linggo ng Disyembre, posibleng kumilos ito patungong Mindoro at Palawan bago tuluyang lumabas ng PAR.

Samantala, namataan din ang Tropical Storm Koto formerly Verbena sa layong 470 kilometro hilagang kanluran ng Pag asa Island sa Kalayaan, Palawan na nasa labas ng PAR. Halos hindi ito kumikilos at taglay ang lakas ng hanging 45 km per hour at bugso na 55 km per hour.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo