LTO extension office sa Quezon province binuksan na

0
605

INFANTA, Quezon. Binuksan kahapon ang bagong Land Transportation Office (LTO) Northern Quezon sa Barangay Pilaway Infanta, Quezon.

Ang kaganapan ay pinangunahan nina Quezon Governor Helen Tan, 1st District Congressman Mark Enverga, dating 1st District Congresswoman Trina Enverga (author ng Infanta LTO Act), Infanta Vice-Mayor L.A. Ruanto, LTO Region IV-A Regional Director Cupido Gerry Asuncion na ikinatawan ni Engr. Eugene Diaz, at Engr. Rommel Sarmiento ng 4KMT Corp. Building na siyang nag-donate ng lupa.

Ayon kay Governor Tan, malaking tulong sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng LTO Extension Office sa bayan ng Infanta sapagkat hindi na kailangan pang pumunta sa lalawigan ng Laguna o sa Lungsod ng Lucena ang mga mangangailangan ng serbisyo ng LTO. Makakatulong din aniya ito sa ekonomiya ng barangay at ng bayan dahil sa inaasahang paglakas ng komersyo sa lugar at magbibigay din ito ng oportunidad sa trabaho.

Mapaglilingkuran ng LTO Infanta ang mga mamamayan ng REINA Area o Real, Infanta, General Nakar, gayundin ang mga islang bayan na sakop ng Polillo Group of Islands na Polillo, Panukulan, Burdeos, Patnanungan at Jomalig.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo