LTO: Isumbong ang mga license plate scammers

0
322

Hinikayat ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari ng mga sasakyan na ireport ang mga manloloko na nangako ng hassle-free na pagkuha ng mga license plates sa halagang ₱200.

“Libre po ito kaya I am asking our kababayan to immediately report to us kung sino ang nanghihingi ng pera para makuha ang kanilang plaka dahil sisiguraduhin ko mismo na mapaparusahan ang mga taong ito,” pahayag ni LTO chief Vigor Mendoza II noong Linggo.

Sinabi ni Mendoza na inaasahan na ang ₱200 na bayad ay magbibigay-daan sa mga may-ari ng sasakyan na maiwasan ang mahabang pila sa mga tanggapan ng LTO at mga site ng distribusyon.

“Meron na po tayong mga inihandang sistema para maging maayos, at mabilis ang distribution process,” dagdag ni Mendoza.

Idinagdag niya na plano rin ng LTO na mamahagi ng mga plaka sa mga mall.

Sinabi ni Mendoza na ang LTO office sa Sorsogon at Naga City sa Camarines Sur ay nagpatupad ng partial na distribusyon ng mga plakang pamalit noong ika-11 ng Agosto.

Inilunsad ng Department of Transportation ang isang website upang tulungan ang car owners na alamin kung handa na ang kanilang mga bagong plaka ng sasakyan para ma-claim.

Nauna dito, iniulat ng Commission on Audit na mayroong 1.79 milyong pares ng mga license plates na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱800 milyon na hindi pa nakukuha sa LTO.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.