LTO: Mataas na singil ng mga driving school, bawal na

0
381

Bawal nang maningil ng mataas na halaga ang mga accredited driving school sa mga aplikante ng drivers license.

Ito ang sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade kaugnay ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 o “Omnibus Guidelines on the Accreditation, Supervision, and Control of Driving Institutions, and the Standardization of Driver and Conductors Education” na pinaiiral ng Land Transportation Office (LTO).

Sa media forum, sinabi ni Tugade na mula April 15 ngayong taon, ipatutupad na ang naturang hakbang kung saan ang nagmamaneho ng motorsiklo ay magbabayad lamang sa driving school ng P2,500 at may maximum na P4,000 sa magmamaneho ng light vehicles at ibang uri ng sasakyan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo