LTO, naghahanda na para sa Undas 2021

0
365

LTO Oplan Biyaheng Ayos: Undas, inilunsad

Quezon City. Puspusan ang paghahanda ng Department of Transportation-Land Transportation Office (DOTr-LTO) upang panatilihing ligtas ang mga lansangan sa darating na Undas. “Lahat ng sangay ng LTO sa buong bansa ay may mga hakbang na isinasagawa bilang paghahanda para masigurong ligtas ang mga motorista at mananakay sa darating na Undas” ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar C. Galvante .

Ito aniya ay bahagi ang paghahanda sa ipinatutupad na taunang programa ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ang Oplan Biyaheng Ayos: Undas.

“Nais namin sa LTO na siguruhing plantsado na ang lahat bago pa man ilunsad ang Oplan Biyaheng Ayos: Undas, sa buong bansa . Kaya nga ba, nag-umpisa kami ng mas maaga kaysa sa itinakdang petsa sa paglumunsad nito noong Oktubre 22. Aniya, “Marami sa ating mga kababayan ang magtutungo sa kani-kanilang mga probinsya at sa mga sementeryo upang dalawin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay o para magbakasyon ngayong Undas. Nagkataon ding long weekend. Nararapat lamang na tiyakin na makakarating sila sa kanilang patutunguhan ng ligtas, komportable at walang aberya sa lansangan,” ayon kay Galvante.

Isa sa mga paghahanda ay ang pinaigting na motor vehicle road worthiness inspection o ang pagtiyak na nararapat bumiyahe ang isang sasakyan sa kalsada, lalo na ang mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at jitney. Ayon kay Galvante, patuloy ang pag-iinspeksyon sa mga garahe o terminal ng mga bus ng mga LTO law enforcement units ng iba’t ibang Regional at District Offices.

Wika ni Galvante, “Nananawagan kami, lalo na sa mga pasahero at motorista na maging mapagpasensya sa mga inspeksyon. Ginagawa ito ng LTO upang makatiyak na ligtas ang inyong biyahe ngayong Undas.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.