LTO naglabas na ng digital driver’s license

0
283

Inumpisahan ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-isyu ng electronic driver’s license (eDL), na ayon sa kanila ay valid kagaya ng physical driver’s license.

Ito ay sa gitna ng patuloy na problema sa pag-imprenta ng driver’s license dahil sa kakulangan sa plastic cards na naiulat na dulot ng bidding policy change sa Department of Transportation.

Inihayag ni LTO officer-in-charge Hector Villacorta na nailabas na ang implementing guidelines para sa pag-isyu ng eDLs matapos ang masusing pag-aaral sa seguridad ng digital version ng lisensya.

Nag-umpisa ang paglalabas ng eDLs nitong Miyerkules, at maaari nang ma-access sa Land Transportation Management System (LTMS) account ng mga holder ng driver’s license.

“The eDL is a valid, secure, and an alternative form of authorization for persons operating motor vehicles. We are launching this as part of the agency’s digitalization. The eDL will also ensure efficiency in our service,” ayon kay Villacorta. 

Sa ilalim ng LTO Memorandum Circular No. HAV-2023-2410, bibigyan ng access ang mga may hawak ng balidong Driver’s License mula sa LTO sa eDL module.

Ipinaliwanag ni Villacorta na pareho ang mga pribilehiyo at responsibilidad para sa eDLs at physical driver’s license.

“Apprehended motorists who must present the eDL only by accessing their LTMS portal account, while those who fail or refuse to present their eDL will be considered a violation of failure to carry a driver’s license,” ayon pa rin kay Villacorta.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo