Lucena COP pinarangalan bilang ‘Best City Police Station’

0
563

Lucena City, Quezon. Pinarangalan ang Lucena bilang “Best City Police Station” sa Quezon Police Provincial Office ngayong taon.

Personal na tinanggap ni Lucena City Police chief PLt. Col. Reynaldo Reyes ang sertipiko ng pagkilala sa isinaga­wang programa sa Camp BGen Guillermo Nakar sa lungsod kamakalawa.

Ayon kay Quezon Provincial Police Office director P/Col. Joel Villanueva, ito ay tanda ng huwarang pagganap ng nasabing police station sa isinasakatuparan Unit Performance Evaluation Rating para sa panahon ng May 22, 2021 hanggang May 22 ng kasalukuyang taon.

Nakatanggap din ang ang nasabing police station ng pagkilala para sa mahusay na paggawa para sa “Operational Accomplishments”.

Nangunguna ang LCPNP sa mga anti-drug operations at panghuhuli sa mga most wanted persons. Sila rin ang nangunguna sa lalawigan sa maayos na pagpapatupad ng police community relations at pagpapataas ng moral recovery programs para sa mga dating drug addict sa pakikipagtulungan ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC).

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.