Lucena group hindi sasali sa one week transport strike

0
195

Lucena City, Quezon.  Hindi sila sasama sa transport strike laban sa jeepney modernization program mula ngayong araw ng Lunes, ayon Freddie Bravo, pansamantalang presidente ng Lucena City Transport Cooperative (LCTC), kahapon.

Binanggit niya ang kanilang pagkabahala para sa commuting public bilang pangunahing dahilan kung bakit nagpasya sila na huwag lumahok sa tigil pasada mula Marso 6 hanggang 12.

Sinabi ni Bravo na nagsumite na ng Letter of Intent ang kanilang grupo kay Elmer Francisco ng Francisco Motors na siyang gumagawa ng electric jeepney na papalit sa mga iconic na traditional jeeps.

“The jeepney modernization scheme is already mandated in 2017 and we accepted that. That’s the reason why we enlisted our group as a cooperative in 2018 to cope up with the modernization plan,” ayon kay Bravo sa isang panayam kahapon.

Aniya, nakapag-order na ang kanilang kooperatiba ng 712 units ng electric type jeep at inaasahan ang pagdating ng unang 15 units sa Hulyo ng taong ito.

Magiging kamukha pa rin ng tradisyunal na jeepney ang e-jeep na may ilang pagbabago kabilang ang air conditioner, GPS (global positioning system) at Wi-Fi connection, ayon kay Bravo.

Ang 23-seater model ay gagamit ng kuryente at hindi diesel fuel, dahil ginawa  itong mas environment friendly, dagdag niya.

Ang bawat unit ng e-jeepney ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP1.8 hanggang PHP2 milyon.

Sinabi ni Bravo na kapag nagsimula na silang gumamit ng mga modernong jeepney, ang mga driver ay tatanggap ng fixed income at hindi sa pamamagitan ng “boundary system.”

Bibigyan din ng benepisyo ang mga driver, kabilang ang PhilHealth, Pag-IBIG, Social Security System at 13th-month pay.

Isang “beep card” system ang gagamitin ng mga commuters, na magbibigay-daan sa kooperatiba na masubaybayan ang buwanang kita ng bawat unit.

Sinabi ni Bravo na ang nabanggit na pamamaraan ay makapawi sana sa pag aatubili ng kanilang mga miyembro at maging kasangkapan sa sa modernisasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.