Lucena, City, Quezon. Sumailalim sa seminar ang 30 magsasaka ng palay mula sa Brgy. Mayao Parada, kanina upang i-level up ang kanilang mga diskarte sa pagsasaka bilang bahagi ng “PalaySikatan-Lakbay Palay” joint program ng Department of Agriculture (DA) at ng Philippine Rice Research Institute o PhilRice- Los Baños.
Sa pagsasanay na isinagawa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), natutunan ng mga magsasaka kung anong partikular na uri ng palay ang angkop sa kanilang mga lupa at kung paano gamitin ang mga makabagong kagamitan sa pagsasaka at mga diagnostic tool tulad ng Minus-One Element Technique (MOET), na tumutukoy sa nutrient status ng lupa.
Sinabi ni Lucena City OIC Agriculturist Jairalou Merano sa mga magsasaka na umaasa siyang ang programang ito ay higit pang hihikayat sa mga susunod na magsasaka, lalo na ang mga nakababatang henerasyon, na yakapin ang pagsasaka upang matiyak ang food security sa lungsod.
“We all should be open to advancement in farming techniques and equipment like transplanter and mechanized harvester to boost our production. The ideal rice varieties will also help us maximize the planting and harvesting season, ensures food security, even only in rice,” ayon kay Merano.
Sinabi ni Mayao Parada barangay chairperson Evelyn Ramos na dumalo din sa aktibidad, na ang kaalamang ibinahagi ng mga tagapagsanay mula sa pambansang tanggapan ng DA ay dapat ipaabot sa iba pang kooperatiba ng mga magsasaka sa kanilang komunidad.
Joel Frago
Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor. Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming. Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018. Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.