Lumagda ang DENR, dredgers para sa restoration ng ilog sa Occidental Mindoro

0
451

Mamburao, Occidental Mindoro. Nilagdaan ni DENR-Mimaropa Regional Executive Director Lormelyn Claudio, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang may-ari/operator ng tatlong duly registered companies na kwalipikadong magsagawa ng malakihang flood control dredging at desilting operations sa Occidental Mindoro.

Ang MOA signing ay isinagawa sa bisa ng Administrative Order No. 2020-12, na nagtatadhana para sa restoration/rehabilitation at dredging activities ng heavily-silted river channels sa nabanggit na probinsya.

Sa isang simpleng programa na ginanap sa Diamond Hotel, Manila noong Disyembre 2, 2022, pinirmahan ni Claudio ang deal kay Reynaldo Laborte, Jr., Owner at Manager ng R.V. Laborte Builders; Roberto Nazal, Jr., President and CEO of P.E.R.R.C. Construction and Development Corporation, at Lilia Zapata, Member of the Board of Directors ng Bluemax Tradelink, Incorporated.

Dumaloat sumaksi sa MOA signing sina Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano, Mines and Geosciences Bureau (MGB)–MIMAROPA Regional Director Glenn Marcelo Noble, Environmental Management Bureau (EMB)–MIMAROPA Regional Director Joe Amil Salino, at mga opisyal ng DENR-Mimaropa, Assistant Regional Director para sa Teknikal na Serbisyo Maximo Landrito; Chief of Licenses, Patents and Deeds Division, Forester Cesar Odi; at Chief of Legal Division, Atty Gandhi Flores. (DENR)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.