Maagang Pasko inialay ng Nagcarlan PNP

0
319

Nagcarlan, Laguna. Nagparamdam ng maagang Pasko ang Nagcarlan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Marlon Calonge partikular sa mga batang mag-aaral sa bayan ito.

Kabilang sa outreach program na ang Libreng Gupit para sa Batang Neat, feeding program, gift giving, at palaro na nilahukan ng mga bata.

Layunin ng programang ito na higit na mapalapit sa pulis ang mga bata uapng kontrahin ang ilang magulang at guardian na ginagawang panakot ang mga pulis upang mapasunod ang mga bata sa kanilang mga utos.

Nais imulat ng nabanggit na proyekto ang mga bata na ang pulis ay kaibigan at tagapagligtas sa oras ng pangangailangan.

Namigay din ng food packs ang kapulisan  sa mga single Moms.

Ayon kay Major Calonge nakatakdang isagawa ang isa pang ganitong proyekto Disyembre 17 2022 upang higit na maramdaman ang malasakit nga kapulisan sa pamayanan.

Katuwang sa programang ito ay ang grupong Bantay Krimen sa pangunguna ng pangulo nito na si Andy Sumaya, Ruffa’s Beauty Salon, CAGG, ACPP Nagcarlan, Tau Gamma Phi sigma, at Rexie Salon D’Nagcarlan.

Ang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month at kampanya upang  matigil ang paglabag sa karapatang pambata at kababaihan.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.