Mabagal ang industrialization sa PH kaya mabagal din ang pag ahon sa kahirapan

0
1417

Sa  recovery mula sa global crisis, ang policy ng Pilipinas ay muling tutuon sa isang pangmatagalang agenda sa pag-unlad. Nakakadismaya ang long-term growth ng Pilipinas sa kabila ng mga magagandang paunang kondisyon. Sa paglipas ng mga dekada, ang ekonomiya ay nagdusa dahil sa mataas na kawalan ng trabaho, mabagal na pag ahon sa kahirapan, at walang pag-unlad na investments.

Bakit hindi maabot ng Pilipinas ang high growth na kagaya ng mga bansa sa paligid natin? Ano ang mga pangunahing sanhi ng talamak na problema sa kawalan ng trabaho, kahirapan, at kakulangan sa investment? Ayon sa ADB Economics Working Paper Series ni Norio Usui na may pamagat na Transforming the Philippine Economy: “Walking on Two Legs,” ang mahinang pag usad ng paglago ng Pilipinas ay maiuugnay sa mababang pag asenso ng productivity. Mabagal na industrialization partikular sa manufacturing. Ang mga talamak na problema ng mataas na unemployment, mabagal na pag ahon sa kahirapan, at mababang pamumuhunan ay mga repleksyon ng mabagal na industriyalisasyon. 

Ang paunang tagumpay sa electronics ay nagbigay ng kakayahan sa ekonomiya na magkaroon ng mga kakayahan para sa productive diversification. Gayunpaman, ang mga insentibo upang magamit ang mga kakayahang ito ay humina dahil sa kakulangan sa mga pangunahing imprastraktura, mahinang investment at matabang na business climate.

Sinusuri din ni Usui ang lumalaking services sector, partikular ang umuusbong na business process outsourcing industry sa epekto nito sa paglikha ng trabaho. Ang pangunahing konklusyon ay, sa halip na “tumalon” sa industriyalisasyon, ang Pilipinas ay kailangang “lumakad gamit ang dalawang paa” upang paunlarin ang industriya at mga serbisyo na bubuo ng mga oportunidad sa trabaho para sa lumalaking working-age population.

Ayon sa mga datos ng Industrial Revolution noong lumipat sa bagong manufacturing processes ang Britain, continental Europe at US noong mga 1760 hanggang sa pagitan ng 1820 at 1840, ilang mga ekonomista ang nagsabi na ang pinakamahalagang epekto nito ay ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng general population ng western world sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

Kailangan ang seryosong pag aaral sa tulong ng mga eksperto upang sa wakas ay makita ang daan sa tunay na pag unlad sa Pilipinas. Iniisip ko kung kasama ba ang agenda na ito sa plataporma de gobyerno ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Reference: Asian Development Bank

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.