Mabini Mayor at 2 kapatid, arestado sa iligal na baril, pampasabog

0
284

Mabini, Batangas. Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-NCR (CIDG-NCR) si Mabini Mayor Nilo Villanueva at ang kanyang dalawang kapatid matapos isagawa ang sunud-sunod na raid sa kanilang mga tahanan kahapon, Sabado ng madaling-araw.

Ang mga raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Antipolo City RTC Branch 74 Executive Judge Mary Josephine Lazaro, dahil sa mga alegasyon ng ilegal na pagmamay ari ng mga baril.

Ayon sa ulat, nakumpiska mula kay Villanueva ang isang maliit na pouch na may camouflage design na naglalaman ng hinihinalang explosive device.

Pagkatapos ng pag-aresto kay Mayor Villanueva, sinalakay ng CIDG-NCR at Special Action Force ang tahanan ng kapatid niya, isang 46-anyos na dating pulis, sa Sitio Pook, Brgy.Pulong Niogan, Mabini, Batangas. Ayon sa ulat, nakuha sa kanilang bahay ang isang granada at 16 piraso ng mga bala.

View Post

Sumunod naman na nilusob ng mga awtoridad ang bahay ng isa pang kapatis na si Bayani Villanueva sa Sitio Silangan, Brgy. Sto. Tomas. Si Bayani Villanueva ay chairman ng kanyang barangay at presidente ng Association of Barangay Chairman sa Mabini. Sa kanyang tahanan, nakumpiska ang ilang mga baril, 10 piraso ng bala, at isang MK2 Hand fragmentation grenade.

Sinubukan din ng mga awtoridad na puntahan din ang tahanan ng isa pang kapatid ng alkalde sa Sitio Kanluran, Brgy. Sampaguita, ngunit wala ito roon ng isagawa ang operasyon. Nakumpiska naman sa kanyang bahay ang isang baril at 10 piraso ng mga bala.

Si Villanueva at dalawa niyang kapatid ay nahaharap ngayon sa mga paratang ng paglabag sa RA 9516 or Law on Explosives. Dinala sila sa Camp Crame sa Quezon City para sa karagdagang proseso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.