Nakakaranas ka ba ng pananakit ng ulo, leeg at tenga? Nakaririnig ka ng matitinis na tunog, clicking o popping sound tuwing ibubuka ang bibig? Kung ganon, Maaaring ikaw may Temporomandibular joint disorder (TMJ-D) o sakit sa panga.
Ang mga sintomas na ito ng TMJ disorder ay apat na taong tiniis ni Dianne Perucho Funelas. Ayon sa kanya halos hindi na siya makakain dahil pakiramdam nya na parang puputok ang ugat nya at sobra ang sakit ng ulo at tenga nya.
Ang TMJ Disorder disorder ay isang kondisyon kung saan apektado ang paggalaw ng panga. Resulta ito ng pagka bunot ng ngipin at maling kagat o kaya naman ay trauma kagaya ng motorcycle o car accident at severe blow sa mandible o panga.
Ang 1/4 mm o .5mm na nawalang taas ng kagat ay maaaring mgsanhi na ng muscle spasm o pagtigas ng ating muscle sa panga. Bukod dito umaatras ang panga kaya nagkakaroon ng clicking, locking ng jaw o hindi mo na maibuka o maisara ang bibig kapag humikab hanggang sa maipit na ang mga ugat sa leeg ulo at likod.
Ito ang dinadanas na sakit ni Dianne na taga Antipolo, Rizal Province. Kwento niya may oras na kapag nakasakay siya sa jeep at umatake ang sakit kailangan niyang bumaba ng sasakyan para pahupain muna ang sakit na nararamdaman.
Nagpatingin na din sya sa Neurologist upang mabigyan ng mga gamot para matanggal ang sakit at kumalma ang mga ugat nya. Ngunit kailangan pa rin niya itong ipaayos sa Tmj-dentist upang ayusin ang kanyang ngipin at itama ang kagat.
Kaya naman siya nananawagan sa mga kababayan natin na merong ginintuang puso na matulungan siya sa kanyang pagpapagamot. Narito ang kanyang personal ng numero 0963 7201203 kung sakali may magandang loob na magbibigay ng tulong.
Samantala, ang inyong lingkod ay taos pusong nagpapasalamat sa bumubuo ng GMA 7 GTv sa Programang Dapat Alam Mo ni Kuya Kim, Emil Sumangil at Patricia Tumulak at sa researcher na si MJ Cerillo sa pagbibigay ng pagkakataon na maging resource speaker tungkol sa TMJ sa episode na “Pag lolock ng panga, maaring tmj disorder?” Ipinalabas po ito noong July 8, 2022 5:30pm sa GTV GMA7 sa iba’t ibang channel at social media accounts ng GMA Public affairs kagaya ng Pinoy TV sa abroad, Facebook at Youtube.
Muli po nating panoorin ang segment na ito sa pamamagitan ng sa pagclick sa link sa ibaba. Maraming salamat po.
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.
Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.