Mag alaga tayo ng manok na Tagalog

0
995

Lugaw ang isa sa paboritong meryenda ng mga Pinoy. Popular ito sa mga Pinoy siguro dahil sa abot kaya ng bulsa. Kalimitan ang lugaw ay niluluto lang sa mga bahay bahay at binebenta bilang street food pero ngayon ito ay franchised na din at matatagpuan na rin sa mga mall. 

Madali namang lutuin ang lugaw. Mas pinasasarap ito kapag sinamahan ng native chicken. Naka-mindset na tayog mga Ponoy na ang native na manok ay pang tinola lamang. Pero kung masusubukan ninyo ito sa arroz caldo, mapaparami ang kain ninyo sa kakaiba nitong sarap at linamnam. 

Marami ngayon ang nagtitipid dahil nawalan ng trabaho o lumiit ang kita dulot ng pandemic kaya nagtitiis na lang silang magluto ng lugaw para mapagkasya ang konting kinikita. Kahit nagtitipid, maging masustansya ang lugaw kapag native na manok ang kasama. Busog na ay lalakas pa ang ating katawan. 

Sa bukid namin ni Myrna ang pag aalaga ng tagalog na manok ay  bahagi na ng aming pang araw-araw na buhay. Alam naman siguro natin na ang native chicken ay maraming health benefits gaya ng pagkakaroon ng malusog at matibay na buto. Hindi lang sa mga madidilaw na gulay matatagpuan ang vitamin A. Ang tagalog na manok ay mayaman din sa vitamin A. 

Maaring nagtataka tayo kung bakit kalimitan ang ating mga doktor ay nagrerekomenda na humigop tayo ng chicken soup kapag may lagnat o trangkaso. Ito ay dahil sa ang tagalog na manok ay nakakapag palakas ng ating immune system. 

Kaya sa panahon ngayon ng financial crisis ay mabuting tayo’y maging madiskarte kung paano natin mapapahaba ang ating budget. Isang paraan ang pag alaga ng manok na Tagalog kahit sa maliit na bakuran lamang. Kapag meron na tayong dumalaga na mailalahok sa arroz caldo, lugaw man ang nakahain sa ating hapag ay makakatiyak naman tayong ito ay masustansya. 

Essential ang lugaw sa panahong ito ng krisis. Hindi lang budget ang nagpapahaba dahil ayon sa kasaysayan at maging sa pag aaral ng mga dietician sa America, pinahahaba din nito ang buhay. https://tinyurl.com/mrxbrwkp

Word of the Week

Sapagka’t ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kanyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan – Kawikaan 2:6

Native chicken. Free range chicken farming
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.