Mag-ama patay, 8-anyos na bata sugatan sa pananaksak at pagpapasabog sa Cavite

0
202

BACOOR CITY, Cavite. Patay ang mag-ama habang sugatan ang isang 8-anyos na bata matapos ang trahedya sa Barangay Maliksi 1, sa lungsod a ito.

Kinilala ang mga biktima na sina alias Ronaldo (anak) na namatay sa pananaksak, habang namatay habang ginagamot sa Southern Tagalog Regional Hospital ang kanyang ama, na kilalang si Alfredo, dahil sa tinamong saksak sa katawan. Ginagamot pa rin ang sugatang 8-anyos na bata dahil sa pagpapasabog.

Tinututukan ng pulisya ang pagdakip sa mga suspek na kilala bilang alyas ‘Tuyo’ at ‘Harry,’ kung saan isa sa kanila ay bayaw at manugang ng mga biktima na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PMSG Roberto Lacasa ng Bacoor City Police Station, ang kaguluhan ay nag ugat sa mainitang pagtatalo nina Ronald at ng kanyang bayaw na si ‘Tuyo.’ Dahil dito, hinintay ng mga suspek na dumaan ang mga biktima at kanilang pinagsasaksak.

Nakita ito ng ama na si Alfredo, kaya’t tinangka nitong tulungan ang kanyang anak. Ngunit inatake rin siya ni alyas ‘Harry,’ na nauwi sa kanyang kamatayan.

Pagkatapos nito, isang bagay ang inihagis ni alyas Ronald, at ito ay tumama sa 8-anyos na bata na kasalukuyang naglalakad lamang sa nasabing lugar.

Agad na isinugod sa ospital sina Alfredo at ang 8-anyos na bata, ngunit namatay rin ang una.

Nagsimula ang kaguluhan matapos magsumbong ang kapatid na babae ng biktima tungkol sa alitan sa kanilang pamilya.

Patuloy ang pagsusuri ng pulisya at ang pagtugis sa dalawang suspek na tumakas pagkatapos ng pananaksak.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.