Mag anak patay sa aksidente sa motor sa Quezon

0
598

Tagkawayan, Quezon. Patay ang isang mag anak na sakay ng motorsiklo matapos salpukin ng isang delivery van sa Brgy. Sta. Cecilia, sa kahabaan ng Quirino Highway sa bayang ito bandang 7:00 ng gabi noong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Policarpio Oliva, isang real estate agent at asawa niyang si Delia at pawang mga residente ng Del Gallego, Camarines Sur. Dead on the spot si Policarpio samantalang DOA naman sa ospital si Delia. Namatay naman ang kanilang anak na si Orlando sa isang ospital sa Naga City noong Lunes ng umaga. 

Batay sa pagsisiyasat ng Tagkawayan Police Station, angkas ni Policarpio ang kanyang mag ina sa kalakasan ng ulan habang bumabagtas sa highway ang motorsiklo ng mag asawang bigla silang mabundol ng delivery van na minamaneho ni Orlando Jualo mula sa likuran.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, tumilapon ang mag anak na Oliva at sa lakas ng pagkakabangga ay nalaglag si Jualo mula sa driver’s seat.

Posibleng maharap si Jualo sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide si Jualo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.