Mag apply ng 13th-month pay loan: Utos ni Bello sa micro at small biz

0
712

Inuutusang mag apply ng government loan na 13-month pay loan ang mga micro and small enterprises na kasalukuyang nahihirapan sa pananalapi, ayon sa anunsyo ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III noong Biyernes, Nobyembre 12, 2021.

Nanawagan ang hepe ng DOLE sa mga employer na ang 13th-month pay grant ay mandatory.

“Let me remind the employers that the grant of 13th-month pay is mandatory. We issued a Labor Advisory where we maintained that no exemption and no deferment will be allowed on the payment of the 13th-month pay. So, with this loan facility from SB Corporation, there is no more reason to not give the 13th-month pay,” ayon kay Bello sa ceremonial launch ng loan program kasama ang Department of Trade and Industry DTI) at ang financing arm nito na SBCor.

Noong Nobyembre 12 ay 25 na loan application na nagkakahalaga ng 5.052M ang pumasok na loan application at naaprubahan ng SBCor sa ilalim ng nabanggit na program, ayon sa report.

Kwalipikadong umutang dito ang mga micro at small enterprises na nagpapatupad ng  flexible work arrangements at rehistrado sa ilalim ng DOLE Establishment Reporting System mula noong Oktubre 15, 2021. 

Kayang tugunan ng nabanggit na loan program ang hanggang 40 empleyado bawat isang estabelesimento na magbibigay ng P12,000 na 13-month pay kada empleyado.  Ito ay zero-interest rate, hindi kailangan ang collateral at babayaran sa loob ng 12 buwan, kasama na ang three-month grace period. “I encourage our employers, especially yung mga nahihirapan pa, to avail of this facility so that they can comply with the mandate to pay our workers with what is due them, especially this Christmas season,” dagdag pa ni  Bello. 

Ang mga kwalipikadong mangutang ay maaaring mag apply sa link na ito:

www.bayanihancares.ph.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.