Mag-asawa patay sa pamamaril sa Quezon

0
275

Tiaong Quezon. Patay ang mag-asawa sa pamamaril sa harap ng isang gasoline station sa Tiaong, Quezon kahapon.

Ayon kay Col. Joel Villanueva, direktor ng Quezon Provincial Police Office, hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang mga pangalan ng nasawi.

“Narekober namin sa crime scene ang motorsiklong ginamit ng mga biktima. Susubukan naming makuha ang mga pangalan nila,” ayon kay Villanueva.

Sinabi naman ni Lt. Col. Marlon Cabataña, hepe ng Tiaong Municipal Police Station na nasa terminal ng tricycle sa Brgy. Sambat Paiisa ang mga biktima ng sila ay pagbabarilin.

Sinabi ni Cabataña na sinubukang tumakas ng mga biktima, ngunit nakorner sila ng salarin malapit sa gasolinahan.

Ayon samga saksi, tumakas ang mga armadong lalaki ng naglalakad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.