Mag asawang negosyante sa Quezon, inaresto dahil sa mga iligal na baril

0
407

Catanauan, Quezon. Inaresto kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang negosyante matapos matiktikan na nag iingat ang mga ito ng matataas na kalibre ng iligal na baril.

Kinilala ni CIDG director Maj. Gen. Eliseo Cruz, ang mag-asawang suspek na si Meil Yu Tan, 35 anyos at Jacqueline Tan, 38 anyos; pawang kontratista at may-ari ng MJIEL Constructions.

Batay sa ulat, isinilbi ang search warrant laban sa dalawa ng mga ahente ng CIDG-Quezon sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca, PNP Regional Mobile Force Battalion at Catanuan Police sa bahay ng mag-asawang Tan sa MJIEL Construction Compound, Sitio NFA, Brgy. Madulao.

Ang search warrant ay inisyu ni Calamba City Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 36 Judge Glenda Menoza-Ramos dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.

Bandang alas-5:30 kahapon ng umaga nang isagawa ang operasyon at narekober mula sa pag-iingat ng mag-asawa ang M16 Armalite rifle, a cal. 40 pistol, a cal. 9mm pistol, a cal. 45 pistol, a caliber Super 38 pistol, 12 gauge shotgun, magazines ng nasabing mga armas, at 1,110 assorted na bala.

Dinala sa provincial office ng CIDG-Quezon sa Lucena City ang mag-asawa upang sumailalim sa kaukulang imbestigasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.