Mag asawang NPA, sumuko sa PNP Calabarzon

0
300

Los Baños, Laguna. Sumuko ang mag asawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Komiteng Rehiyon- Timog Katagalugan o Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) sa Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni Col Ledon Monte, Force Commander, sa Camp Heneral Macario Sakay, bayang ito.

Kinilala ni Monte ang mga rebelde na sina “Ka Abe/AB/Boylit”, isang squad leader ng platun 1 Sentro de Grabidad (SDG) at platoon leader, Guerilla Front Narciso ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4A at “Ka Mila/Nina,” S4, Platun 1 Sentro de Grabidad SDG at P4, Platun Larangan Yunit Gerilya, Guerilla Front Narciso, SRMA4A, Southern Tagalog Regional Party Committee na tumatakbo sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Northern Quezon. Ibinunyag ng dalawa na party couple sila. Nakuha nila ang 2 maikling baril, 1 hand grenade at mga subersibong dokumento.

Kusang-loob na iniharap ng mag-asawa ang kanilang mga sarili kay Monte at kay Kapitan Karl Axcel Sta Clara ng RMFB4A at ipinahayag ang kanilang intensyon na tumalikod na sa communist terrorist group (CTG) at bumalik sa kanlungan ng batas. 

Ang mga sumuko ay nakatanggap ng paunang tulong at nasa proseso na ng dokumentasyon para sa kanilang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang mapakinabangan ang mga insentibo ng gobyerno at matulungan silang magsimulang muli.

“Ang ating pagsisikap ay nagbubunga ng tagumpay, patuloy tayong magbigay ng pag-asa at iligtas ang ating mga apektadong kapwa Pilipino na nalinlang ng mga Communist Terrorist Groups. Napansin namin na noong mga nakaraang araw ay mas maraming rebelde ang nagpasya ng sumuko dahil sa pagtaas ng kamalayan ng mga programa ng gobyerno para sa mga rebel returnees” ayo kay Regional Director, PRO 4A Brig Gen Antonio Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.