Mag iina natagpuan patay sa Romblon

0
503

San Jose, Romblon. Natagpuang patay ang isang single mother at dalawa nitong anak sa loob ng kanilang kwarto kagabi ng madaling araw sa Sitio Upper Hinulugan, Barangay Poblacion, bayang ito.

Kinilala ni Romblon Police Station Chief Col. Reynold Rosero ang mga biktima na sina Wielyn Mendoza, 29 anyos at ang dalawa nitong anak na sina TJ Mendoza, 9 anyos at JB Mendoza, 7 anyos.

Nakita ng mga kamag anak ang mga bangkay ng mag iina na may tama ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang insidente ay inireport ng mga kapatid ni Mendoza na nagngangalang Wilber at Charlie Seraspi. Batay sa kanilang salaysay, ang mag iina ay dumalo sa birthday party ng isang kapitbahay na nagngangalang Jack Gregorio noong Martes ng gabi at sabay sabay silang nagsi uwi.

“Tinawag ng isa pang kapitbahay na kapatid si Mendoza ngunit hindi sumasagot ito. Ng nakitang bukas ang pinto ay pumasok ito at nakita ang mga bangkay ng mga biktima,” ayon sa report na ipinahayag kay Rosero.

Sinabi naman ng case officer na si Staff Sergeant Felix Millares na may dalawang persons of interest na sa naganap na pagpatay.

“I direct San Jose police to conduct a thorough investigation in order to identify and arrest the suspects for this heinous crime. I will never cease until the suspects of this crime are placed behind bars”, ayon kay Mimaropa Police Regional Office Director Brig. Gen. Sidney Hernia, Mimaropa Police.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.