Mag-ina at kapitbahay patay sa saksak sa Quezon

0
507

Catauan, Quezon.  Pinagsasaksak hanggang mapatay ang isang mag ina at kanilang kapitbahay habang nasa kritikal na kondisyon ngayon ang lola sa isang insidenteng naganap sa bayang ito.

Kinilala ni Sergeant Michael Adao, imbestigador ng Catanauan Municipal Police Station ang mga biktima na sina Rosita Villena Lazo, 54, ang anak nitong si Rose Ann Villena Lazo, 16, at ang kanilang kapitbahay na si Kenesha Anela Donor Allaga, 14, na pawang nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na namatay.

Ang ina ni Allaga na si Loreta Petalbo Donor, 68 anyos at nagtamo din ng mga saksak at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ayon kay Adao, ang suspek na si Rey John Lazo, 18 ay inaresto sa kanilang bahay matapos ang krimen. 

“Sa tulong ng tiyahin ng suspek, inamin ng suspek ang pananaksak at nagbigay ito ng sinumpaang salaysay sa panahon ng pagsisiyasat sa himpilan ng pulisya. 

Ayon sa mga salaysay ng suspek, lasing siya noong pumunta sa bahay mga biktima sa Barangay Madulao, Catanauan, Quezon noong Linggo bandang around 2:30 ng madaling araw at pinagsasaksak niya sina  Kenesha Anela at Loreta.

Sugatan si Kenesha noong pumunta sa bahay ng kanyang lola upang humingi ng saklolo ngunit pinagsasaksak din sila ng suspek ang matanda.

Sinampahan ng kasong parricide, murder at frustrated murder si Lazo sa Quezon prosecutor office.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.