Mag ingat ang lahat sa”Basag Kotse Gang”

0
292

Sto. Tomas, Batangas. Umatake na naman ang “Basag-Kotse Gang” matapos ang magkakasunod na kasong pagnanakaw sa kotse na naitala sa lalawigan ng Batangas. Huli nilang nabiktima ang isang city councilor nitong nakalipas na araw. 

Sa Sto. Tomas City, dumulog sa himpilan ng pulisya si Ta­nauan City Councilor Eric Manglo upang ireport na inabutan niyang basag ang bintana ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa parking lot ng isang restaurant sa Poblacion 2, Sto. Tomas City bandang alas-7 ng gabi noong Linggo. 

Nawawala ang isang sling bag ni Konsehal Manglo kasama ang tatlong passbook, isang checkbook at mga susi sa insidente.

Sa lungsod ng Tanauan, nabiktima rin ng basag-kotse ang 23-anyos na estudyante na si Don Angelo Joson habang nakaparada sa kahabaan ng JP Laurel National Highway, Poblacion 5 noon ding Linggo bandang alas-8:40 ng gabi. Nawawala sa kotse ni Joson ang isang Apple Macbook Pro laptop at Sony DSLR camera. 

Batay sa nakalap na CCTV footage, tatlong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang pawang nagbasag at nagnakaw sa gamit ng biktima.

Kasalukuyang pinag aaralan ng mga awtoridad ang mga cctv footages upang makilala ang mga suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.