Mag ingat sa online shopping scam

0
733

Talamak ngayon ang mga online shopping scammers dahil social media ang paboritong gamit ng cybercriminals para makapanlinlang at makakuha ng pera. Gold mine ang social media para sa mga cybercriminals.

Kasama sa mga bagong biktima ng cybercriminals ang mga dentista. Sa Maynila at dito sa San Pablo City, may mga dentistang na-hack ang mga Facebook accounts. Gamit ang hacked account, nagpapadala ng message ang mga cybercriminals sa mga friends at humingi ng tulong na pera sa GCash. Mahigit na Php100K ang nakulimbat ng mga scammer sa mga kaibigan ng dentista sa isang gabi lamang.

Paalala ng Philippne Dental Association (PDA), huwag magbigay ng anumang personal info. Lalo na ang email address at contact numbers. Ito kasi ang paraan nila para ma-access ang mga social media account kagaya ng Facebook.

Mag ingat din sa pag gamit ng Marketplace ng Facebook. Alamin muna at tiyakin na legitimate ang mga seller sa pamamagitan ng mga reviews at tingnan kung ilang taon ng miyembro ng Facebook ang online store. Kung ito ay bago pa lamang o kailan lang nag-join sa Facebook, huwag magtiwala. 

Ang gimik nila ay magpo-post sila ng produkto na super baba ng presyo at napakaganda ng quality. Kung hindi mag iisip, mapapa-message ka talaga para mag inquire. Kapag nagkaroon na ng transaksyon, sasabihin nila na ide-deliver ang produkto via Lalamove ng same day process. Uutusan ka nilang magbayad sa GCash tapos pag nagbayad ka na, ipapakita nila ang picture ng booking ng courier at bibiyahe na daw papunta sa iyo. Pero puti na ang mata mo, wala pa ang produkto. Hindi ka na pwedeng mag follow up dahil naka-block ka na messenger ng mga scammer.

Kapag nakutuban nilang hindi ka techy, hindi ka na nila tatantanan hangga’t hindi ka nila nabibiktima.

Maaaring magsumbong sa Regional Anti Cyber-Crime Division at mag report at magsampa ng kaso laban sa scammers, ito ang sabi ni PLtCol. Garry Alegre, isang kaibigan at napakabuting pulis isa sa pinakamagaling kung hindi man pinakamagaling na naging hepe ng San Pablo City Police Station.

Nagtungo tayo sa PNP Anti cybercrime group Region 4 sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna. Nakadaupang palad natin doon si PCP1 Rodel Payas na isang napakabait at napaka accomodating na pulis. Ipinagbilin niya na maari tayong magsampa ng reklamong may kinalaman sa cybercriminals sa tanggapang ito. Ibinalita din niya na binabalak ng PNP na maglagay din ng mga anti cybercrime offices sa Batangas at sa Quezon dahil meron na sa Cavite.

Dahil sa mga pangyayaring nabanggit ko, pinag iingat ang publiko na maging matalino sa pagkilos at pagdedesisyon lalo na sa pakikipag transaksyon sa mga product na nabibili online. Nagkalat ang mga scammers sa mga social media ngayong panahon pa ng pandemya. Sinasamantala nila ang mga tao na namimili na lang online.

Tandaan na huwag bibili at huwag na huwag magbabayad sa mga unverified Gcash account kahit magkapakita sila ng I. D sa messenger. Higit sa lahat, huwag magbigay ng personal na impormasyon (pangalan, edad, tirahan, numero ng telepono, numero ng social security) sa social media.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.