Mag-live-in partner, pinatay sa pananaga sa Batangas; binatilyong anak, sugatan

0
409

Laurel, Batangas. Patay ang mag-live-in partner sa bayang ito matapos silang pagtatagain ng isang lalaki na sumugod sa kanilang bahay. 

Kinilala PMajor Edgar Sumadsad, hepe ng LAurel Municipal Police Station ang mga biktima na sina Jovencio Magsino, 71-anyos, at ang kinakasama niyang si Rodela Cajila, 39-anyos, pawang mgang Barangay Molinete ng nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing sumugod ang suspek sa bahay ng mga biktima at pinagtataga sila.

Kaagad na nasawi si Magsino samantalang naisugod pa sa ospital si Cajila ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

Naaresto naman ang suspek at narekober ang bolo na hinihinalang ginamit niya sa krimen. Hindi siya nagbigay ng pahayag.

Ayon Sumadsad, patuloy pa ang imbestigasyon upang alamin ang motibo ng pagpatay.

Kaugnay nito, sugatan din 15 anyos na anak ni Cajila na 15-anyos, at nagpapagaling na ngayon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.