Magalong nagbitiw bilang adviser ng ICI

0
405

MAYNILA – Nagbitiw nitong Biyernes si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), ang komisyong nilikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang imbestigahan ang mga maanomalyang proyekto sa imprastraktura.

Sa kanyang liham sa Pangulo, sinabi ni Magalong: “The Palace’s pronouncements concerning my designation, which run contrary to the terms of my appointment, have undermined the role and mandate entrusted to me.”

Dagdag pa niya: “Combined with circumstances that already cast doubt on the independence of the Independent Commission for Infrastructure, it has become clear that my continued service is no longer tenable.”

Hindi na binanggit ng alkalde kung aling mga pahayag mula sa Palasyo ang naging dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Samantala, sinabi ni Palace press officer Claire Castro nitong Biyernes na ipapa-review ng Pangulo sa kanyang legal team ang pagtatalaga kay Magalong sa ICI upang matiyak na maiiwasan ang conflict of interest.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.