Magbakuna ng 1 milyon sa isang araw: Target ng DOH CALABARZON sa 3 araw na National Vaccination Days

0
233

Target ng Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na makapag bakuna ng isang milyon kada araw sa 3-araw na National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021, ayon kay DOH CALABARZON Regional Director Ariel M. Valencia.

Tiniyak ni Valenica na ang lahat ng paghahanda at plano ay maayos na naisagawa na ang lahat ng vaccination teams ay handa at magsisikap sa mga lugar kung saan mayroong mababang coverage ng pagbabakuna.“We will endeavor to reach GIDA (Geographically isolated and Disadvantaged Areas) including island communities to personally assess the situation at the ground level to enable us to provide the needed interventions including providing the proper information on Covid-19 and importance of vaccination to residents. Together with the local government units, our target is to vaccinate 1 million a day. We have a total of 174 vaccination teams strategically located in various provinces where people can get their vaccine,” ayon kay Valencia.

“We will strengthen our efforts and health promotion activities in these areas at kung kailangang magbahay-bahay upang kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna ay gagawin namin upang maibigay ang proteksiyon kinakailangan nila laban sa Covid virus,” ang pagbibigay diin ni Valencia.

Binigyang-diin din ni Valencia na lahat ng brand ng bakuna ay ligtas. “Huwag na po tayong mamili pa ng brand ng vaccine dahil lahat ng ito ay ligtas gamitin. Ang mga bakunang ito ay magpoprotekta sa iyo at sa iyong pamilya at hinihikayat kita na pumunta sa iyong pinakamalapit na mga sentro ng pagbabakuna sa loob ng 3-araw na araw ng National Vaccination Days at magpabakuna. Gawin natin ang ating bahagi sa pagtulong sa pagpuksa sa Covid-19,” ayon sa kanya.

Ang mga bakuna na gagamitin ay Sinovac, Moderna, Gamaleya Sputnik V, Pfizer at AstraZeneca.

Kabilang sa mga target na kwalipikadong populasyon na mabakunahan sa mga lalawigan ay ang mga sumusunod: Batangas na may 596, 193 residente, Cavite na may 722, 217, Laguna na may 604,698, Quezon na may 396,732, Rizal na may 616,581 (o 205,527, Lucena City na may 57963.

Ang 3 araw na bakunahan ay isasagawa sa pagtutulungan ng iba’t ibang regional agencies kabilang ang  DILG, PNP, BJMP, BFP, OCD, DOLE (para sa ecozones) at DEPED. Ipapakalat din ang karagdagang health human resource mula sa mga ospital sa NCR, volunteers mula sa DOH central office kabilang ang mga regional staff.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.