Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong PH ang LPA

0
398

Magdadala ng mga pag-ulan ang northeast monsoon sa lalawigan ng Aurora, mga rehiyon ng Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, at nalalabing bahagi ng Mimaropa ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Magdudulot din ito ng mahinang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA sa kanilang 5 a.m. weather bulletin.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan pa rin ang iiral sa buong kapuluan.

Magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Visayas, at Mindanao ang low-pressure area (LPA) ngayong Miyerkules, ayon sa ulat ng weather bureau.

Ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan,

Huling nasubaybayan ang LPA sa 195 km. timog ng Puerto Princesa City, Palawan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan pa rin ang iiral sa buong kapuluan.

Mas maliit ang posibilidad na maging tropical depression ito sa susunod na 24 oras, ayon pa rin sa PAGASA.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo