Magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng PH ang LPA; ‘Luis’ lumabas na sa PAR

0
199

Ilang bahagi ng bansa ang makararanas ng mga pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA), habang ang Tropical Depression (TD) Luis ay lalabas na ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR), ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Huling natunton ang LPA sa layong 335 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

“It has a slim chance to develop into a tropical cyclone, and it could possibly dissipate in the next 24 hours,” said Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ayon kay (PAGASA) forecaster Benison Estareja.

Ang LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Caraga, at Bohol.

Ang mga flash flood o landslide ay malamang sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, ang “Luis” ay huling natunton sa 1,090 km. silangan hilagang-silangan sa dulong hilagang Luzon, kumikilos pahilaga sa 20 kms. kada oras.

“Tumindi ito ngunit malabong maapektuhan pa rin ang lagay ng panahon ng bansa dahil palabas na ng PAR si ‘Luis’,” ayon kay Estareja.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan ang iiral sa buong kapuluan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo