Maging kalmado, umiwas sa road rage ngayong Undas – DOH

0
299

MAYNILA — Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga biyahero na manatiling kalmado at magpakita ng disiplina sa kalsada ngayong Undas upang makaiwas sa mga insidente ng road rage.

Sa isinagawang inspeksiyon ni DOH Secretary Teodoro Herbosa sa mga emergency tents sa South Luzon Expressway (SLEX) bilang bahagi ng Undas preparations, hinimok niya ang publiko na sundin ang mga batas-trapiko at pairalin ang road courtesy lalo na sa gitna ng inaasahang mabigat na daloy ng sasakyan.

“‘Wag magmadali, matutong magbigay. Road courtesy lang po tayo. ‘Yung mga pasaway diyan, sumunod sa mga patakaran para iwas sa road rage,” paalala ni Herbosa.

Dagdag pa ng kalihim, mahalagang magdala ng mga gamot o maintenance medicine, lalo na para sa mga may hypertension at diabetes, ngunit iwanan na ang init ng ulo sa bahay.

“Dalhin ang mga gamot, pero iwan ang galit. Siguradong may traffic dahil lahat gusto makauwi. Maghintay lang, makararating din tayong lahat sa ating mga kamag-anak,” ani Herbosa.

Tiniyak din ng kalihim na sakaling may maaksidente o magtamo ng road traffic injuries, maaari silang makinabang sa zero-balance billing ng gobyerno.

“Yes, sagot siya, basta nasa basic accommodation,” tugon ni Herbosa nang tanungin hinggil sa coverage ng programa.

Nauna nang itinaas ng DOH ang Code White Alert sa central office at sa lahat ng regional health centers bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng mga pasyente dahil sa aksidente, sugat, at iba pang insidente na kaugnay ng Undas exodus.

Maging kalmado para iwas road rage sa Undas – DOH

Maging Kalmado, Iwas Road Rage sa Undas — DOH

MANILA, Philippines — Umapela ang Department of Health (DOH) sa mga biyahero na panatilihin ang kalmado at magpakita ng disiplina sa kalsada ngayong Undas upang makaiwas sa mga insidente ng road rage.

Sa isinagawang inspeksiyon ni DOH Secretary Teodoro Herbosa sa mga emergency tents sa South Luzon Expressway (SLEX) bilang bahagi ng Undas preparations, hinimok niya ang publiko na sundin ang mga batas-trapiko at pairalin ang road courtesy lalo na sa gitna ng inaasahang mabigat na daloy ng sasakyan.

“‘Wag magmadali, matutong magbigay. Road courtesy lang po tayo. ‘Yung mga pasaway diyan, sumunod sa mga patakaran para iwas sa road rage,” paalala ni Herbosa.

Dagdag pa ng kalihim, mahalagang magdala ng mga gamot o maintenance medicine, lalo na para sa mga may hypertension at diabetes, ngunit iwanan na ang init ng ulo sa bahay.

“Dalhin ang mga gamot, pero iwan ang galit. Siguradong may traffic dahil lahat gusto makauwi. Maghintay lang, makararating din tayong lahat sa ating mga kamag-anak,” ani Herbosa.

Tiniyak din ng kalihim na sakaling may maaksidente o magtamo ng road traffic injuries, maaari silang makinabang sa zero-balance billing ng gobyerno.

“Yes, sagot siya, basta nasa basic accommodation,” tugon ni Herbosa nang tanungin hinggil sa coverage ng programa.

Nauna nang itinaas ng DOH ang Code White Alert sa central office at sa lahat ng regional health centers bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng mga pasyente dahil sa aksidente, sugat, at iba pang insidente na kaugnay ng Undas exodus.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo