Maging maingat sa pagpili ng sunod na PNP chief: Payo ni Azurin kay PBBM

0
176

Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging “maingat” sa pagpili ng susunod na pinuno ng Philippine National Police.

Babala pa ng PNP chief sa Pangulo na mayroong mga grupo o indibidwal na sumisira sa integridad ng kapulisan.

“I have to warn even the president,”ayon sa salaysay ni Azurin sa media. “Sir, be careful in selecting ‘yung papalit sa ‘kin,” ayon sa PNP chief. “Definitely, hindi ordinaryo ‘yung nabangga ko rito. Napakaliit ko lamang na kayang-kaya nila ako,” dagdag pa niya. “How long can we stand the heat? That’s the problem. That’s why I’m worried sa ating pangulo, kung sino ang pipiliin niya na papalit sakin.”

Dinepensahan niya rin ang kanyang kabaro sa pagkakasangkot sa P6.7 bilyon drug overhaul kung saan dawit ang dalawang mataas na heneral sa nasabing isyu.

Ayon kay Azurin, maiiwan niya ang organisasyon na mas maganda kaysa nang siya ay umupo, at magreretiro na may buong integridad.

Si Azurin ay malapit nang magretiro sa kanyang pwesto.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.