Magkaibigan nalunod sa dagat sa Batangas

0
401

Nasugbu, Batangas. Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi sa pagkalunod sa lalawigan ng Batangas kahapon.

Ayon sa report ng Police Regional Office (PRO) 4A bandang alas-12:40 ng hapon nang malunod sa karagatan ng Brgy. Calayo, Nasugbu, Batangas ang mga biktima na kinilalang sina Mark Aldrin Siringan, 20 anyos na college student at residente ng Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City at Marvin Sid- ay, 23 anyos na residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang dalawang biktima ay kasama ang kanilang mga kaibigan na nagtungo sa Brgy. Calayo, Nasugbu upang maligo.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga imbestigador ng Nasugbu Municipal Police Station, napagawi ang mga biktima sa malalim na bahagi ng dagat na kapwa sila nalunod 

Natagpuan ang kanilang mga bangkayna lumulutang sa karagatan ng mga nagrespondeng rescue team ng lokal na pamahalaan ng Nasugbu.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.