BATANGAS CITY, Batangas. Dinukot ang magkapatid na sina Herminio at Joey Mallorca sa Brgy. Wawa dito, ayon sa ulat ng pulisya.
Nakunan ng CCTV camera noong nakaraang Huwebes ng gabi ang mga pangyayari kung saan nasa siyam na kalalakihan ang pumasok sa isang eskinita at pumunta sa tahanan ng magkapatid na Mallorca.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang mga kalalakihan na kasama ang magkapatid na nakatali sa likod ang mga kamay at isinakay sila sa isang puting van.
Tinangka ng mga kamag-anak ng magkapatid na habulin ang mga dumukot ngunit pinigilan sila ng mga kalalakihan.
Nanawagan ang kanilang pamilya na ibalik na lamang ang kanilang mga mahal sa buhay kahit man lang ang mga bangkay nila.
“Ibalik kahit sila’y wala na. Basta ibalik kung wala na. Basta nakikita lang namin ang kanilang katawan,” ayon sa sa sa mga kamag-anak. Gayunpaman, iginiit din ng kamag-anak na mas mabuti kung makakauwi ng buhay pa rin ang mga kapatid.
Ayon sa pulisya, posibleng konektado sa legal na droga ang insidente ng pagdukot.
Ayon kay Police Lieutenant Ragemer Hermidilla, hepe ng imbestigasyon sa Batangas City Police Station, nakulong na ang magkapatid kaugnay sa kaso ng illegal drugs.
Kinumpirma naman ng mga kamag-anak na ang isa sa mga biktima ay gumagamit ng iligal na droga.
Sa tulong ng mga rekord mula sa CCTV, patuloy ang pagkilos ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at mahanap ang mga biktima. Patuloy pa rin ang ginagawang operasyon upang matunton at madakip ang mga taong responsable sa pagdukot sa magkapatid na Mallorca.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.