Magkapatid na ‘big-time’ drug dealer, nasakote ng PDEA

0
482

Calamba City, Laguna. Dalawang magkapatid na high-value individual (HVI) ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng ‘Pabili Nga Po’ buy-bust operation sa Cavite at Bulacan, noong Miyerkules, Marso 2, 2022.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang suspek na miyembro ng sindikato ng droga na kinasasangkutan ng magkapatid na tinuturing na HVI na si Joseph Santos Laureta na inaresto sa kanyang inuupahang safe house sa Lancaster, Bgy. Alapan 2-A, Imus City at Jalon Supe Laureta, ng Daisy St. Green Valley, Molino II Bacoor, Cavite.

Si Joseph Laureta ay nahuli ng pinagsanib na elemento ng PDEA 4-A, PDEA-Cavite Provincial Office, PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR, PDEA (Special Enforcement Service) SES, AFP, Imus City Police Office, Cavite Provincial Drug Enforcement Unit, at Imus DEU sa nabanggit na safehouse na nakadeklarang ng pagbebenta ng mga damit na RTW.

Nakumpiska kay Joseph Laureta ang 4 na kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa mga bag ng Chinese green tea na may street value na Php 27.6M.

Ayon sa paunang imbestigasyon, isinalaysay ni Joseph Laureta na isa siyang transport network vehicle service (TNVS) driver bago siya pumasok sa iligal na kalakalang ito. May makikipag-ugnayan sa suspek para kunin ang sasakyan na kanyang minamaneho at pumunta sa target na lugar para ihatid ang ang mga droga ay nakalagay sa isang tagong bahagi ng sasakyan.

Sinabi ni Joseph na ang sindikato ng droga ay nagbabayad sa kanya ng P25,000 sa kada biyahe at ang pera ay ipinapadala sa kanya sa pamamagitan ng GCash o mobile wallet, ngunit ayon sa kanya, ang nagpapadala ng bayad ay gumagamit ng iba’t ibang mga numero sa bawat transaksyon ng bayad sa kanya.

Samantala sa Bulacan, sinabi ni PDEA Dir. Gen. Villanueva na ang kapatid ni Jseph na big-time drug trader na kinilalang si Jalon Laureta na pinaniniwalaang sangkot sa malakasang pamamahagi ng shabu sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Central Luzon ay nahuli na. Nakuha sa kanya ng animnapung kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 408M kasunod ng entrapment operation sa Cavite noong Miyerkules, Marso 2, 2022.

Ang magkapatid na big time pushers ay nasakote sa isinagawangoperasyon ng mga tauhan ng PDEA Central Luzon, PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS), PDEA NCR, PDEA SES, Team ISAF, PDEG, NICA, PRO-3, at Marilao MPS.

Nasa Imus at Marilao Detention Cell na ngayon ang magkapatid para sa kaukulang disposisyon at nakatakda silang sampahan ng mga kaso ng paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs at Section 11 o Possession of Dangerous Drugs ng RA 9165.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.