Magkapatid nasunog ng buhay sa Quezon

0
354

Plaridel, Quezon. Nasunog ng buhay ang magkapatid na batang lalaki matapos masunog ang kanilang bahay kubo dahil sa pinaglaruang lighter sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynan Ezquibel, 4 anyos at kapatid nitong si Lorenzon, isang taong gulang, pawang  nakatira sa bulubunduking bahagi ng Sitio Libis, Brgy. Tanauan, Plaridel, Quezon.

Ayon sa report ng Plaridel Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon ng matagpuan ang sunog na bangkay ng magkapatid sa nabanggit na lugar.

Ayon sa salaysay ng ng ina, iniwan lamang niya sandali ang mga anak upang manguha ng gulay na kanilang kakainin sa hapunan.

Pagbalik ng ina ay natagpuan niya ang sunog na katawan ng kanyang mga anak sa mga abo nasunog ng kubo.

Sinabi ng ina na mahilig daw maglaro ng cigarette lighter ang kanyang panganay na anak at posibleng pinaglaruan niya na ito na naging sanhi ng sunog.

Ayon sa pulisya, yari lamang sa light materials ang bahay kaya mabilis itong natupok at wala silang mga kapitbahay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.