Magnanakaw na nagpanggap na pulis, timbog

0
347

Lucena City, Quezon. Nalutas ng mga awtoridad ang pagnanakaw sa isang restaurant na natangayan ng pera at baril matapos  maaresto ang suspek dahil sa pagpapanggap na sya ay isang alagad ng batas, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Market View sa ungsod na ito.

Nakakulong na at kinasuhan na ng paglabag sa RA 10591, violation of BP 6 at theft ang suspek na si Mark Anthony Gutierrez, 20 anyos, residente ng nabanggit na lugar at hinihinalang mi­yembro ng Sputnik dahil sa tattoo nito sa likurang bahagi ng katawan.

Ayon kay PLt. Col. Erickson Roranes,hepe ng Lucena City Police Station, bandang alas-6:30 ng gabi ay naglalakad ang suspek na tila pulis sa Camachile Green Hills, Phase 1 sa nasabing barangay ng makatawag pansin sa mga residente ang baril na nakasukbit sa baywang nito.

Mabilis na nagres­ponde ang mga operatiba ng Lucena Police matapos matanggap ng sumbong mula sa mga residente ngunit ng lalapitan na ang suspek ay mabilis na tumakbo patungo sa kanyang bahay at tinangkang itago sa backpack ang caliber 9mm na nakitang nasa kanyang beywang.

Sa beripikasyon ng pulisya,  natuklasang ang suspek ang siyang res­ponsable sa naganap na nakawan sa Dadbod Restaurant sa Barangay Ibabang Dupay noong madaling araw ng Abril 9, 2023 kung saan ay natangay ang P32,800 cash, at caliber 9mm na may kasamang magazine at 11 bala.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.