Magpapadala ng 240K doses ng Covid-19 vax ang Bahrain sa PH

0
322

Magbibigay ang Bahrain ng 240,000 doses ng bakuna sa Pilipinas, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kanina.

Ang balita tungkol sa donasyon ay itinawag sa telepono ni Bahrain Foreign Minister Abdullatif bin Rashid Al-Zayi kahapon, Abril 13.

Humigit-kumulang 40,000 sa kabuuang donasyon ay Pfizer doses para sa pediatric population, Sinabi ng DFA.

Sa nabanggit na tawag sa telepono, pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang posibleng pagtatatag ng Embahada ng Bahrain sa Pilipinas kasunod ng lumalagong bilateral na ugnayan.

“During the call, the two Ministers discussed the friendly relations between the two friendly countries, and ways to promote the distinguished bilateral relations between the two countries and further develop them in order to achieve mutual benefits, in addition to a number of regional and international issues of common interest,” ayon sa  Foreign Affairs Ministry ng Bahrain sa isang statement. 

Sa kasalukuyan, 15 kasunduan at memorandum of understanding (MOU) ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa sa mga air services, manpower recruitment, investments, taxation, tourism, education, health services, development assistance, agriculture, at industry bukod sa iba pa.

Sa labor sector, ang gobyerno ng Bahrain ay patuloy na nagpapahintulot sa pagho-host ng mga manggagawang Pilipino sa Kaharian at nagpatupad ng mga programa at mga reporma sa paggawa na kapaki-pakinabang sa komunidad ng mga Pilipino kabilang dito ang “flexi visa system” na nagpapahintulot sa mga migrante na magtrabaho bilang mga freelancer doon .

Batay sa datos ng gobyerno noong 2020, may humigit-kumulang 50,000 Pilipino sa Bahrain.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo