Magsasaka ng Sariaya, unang tumanggap ng cash assistance mula sa RCEF

0
246

Sariaya, Quezon.  Tumanggap ng cash assistance ang 100 magsasaka sa bayang ito mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) noong Oktubre 21.

Ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasakay ay kasabay ng inagurasyon ng Sariaya Agricultural Trading Center and Facilities (SATCF).

Pinangunahan ni Agriculture Secretary William D. Dar kasama si Quezon Province Representatives Wilfrido Mark M. Enverga (1st district) and David C. Suarez (2nd district), Governor Danilo E. Suarez, at Sariaya Mayor Marcelo P. Gayeta ang ceremonial turnover ng Intervention Monitoring Card (IMC) sa rice farmers.

“Gusto ko ibahagi ang outcome ng RTL para kayo mismo na magsasaka ang magsasabi na ito ay successful. I would like to believe that this RTL, we are successful at mas magiging successful pa kung tuloy-tuloy pa sa susunod na anim na taon ang pamimigay ng makinarya, seeds, extension service at credit program. The average retail price of rice from its peak of P45/ kilo in 2018 to P38/kilo in 2019. There is a P7 decline in rice prices. During this quarter, pina-finalize na namin iyong study at idagdag na iyong pandemya,” ayon kay Dar. Ang pag aaral na ito ay makatutulong sa National Food Authority sa pagpapasya kung kailangang taasan pa ang buffer stock.

Ang SquidPay Technology ang mamamahagi ng  Intervention Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification cardat cash card ng mga magsasaka.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.