Magsasaka, patay sa suntok ng kapitbahay

0
176

TAGKAWAYAN, Quezon. Patay ang isang magsasaka matapos suntukin ng kanyang kapitbahay sa Sitio Looban, Barangay Mansalay dito, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang biktima na kinilalang si Ginard Caña, 27 anyos, ay kinumpirmang dead on arrival sa ospital matapos ang insidenten. Ang pangunahing suspek, na kilala lamang sa alias na Michael, 41 anyos, ay boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad pagkatapos ng insidente.

Ayon sa initial findings ng pulisya, nag away ng dalawang lalaki sa hindi malinaw na dahilan, at nauwi ito sa matinding pagtatalo. Sa gitna ng mainitang pagtatalo, isang suntok ang inabot ni Ginard Caña mula kay Michael na nagdulot na pagkatumba sa magsasaka at bumagsak ang ulo nito sa sementadong kalsada.

Agad na isinugod ang biktima sa Maria Eleazar General Hospital, ngunit ito ay idineklarang dead on arrival dahil sa internal hemorrhage na ikinamatay ni Ginard.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso si Michael at nakapiit ito sa Tagkawayan Municipal Jail habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.