Magsasakang Batangueño, nabigyan ng kagamitan sa pagsasaka

0
1078

Batangas City. Nabigyan ng pondo ng Capability Development Fund ng Office of the  Provincial Agriculturist (OPAg) ang mga magsasakang Batangueño na ginamit sa pagbili ng  4 na units ng 92.5 hp-Four-Wheel Drive Tractor, 2 units ng 41 hp-Four-Wheel Drive Tractor, at 2 units ng Multi-Tiller/Cultivator na pawang may mga kumpletong farm implements at accessories.

Ang nabanggit na tulong ay sang ayon sa direktiba ni Batangas Governor Dodo Mandanas na palakasin ang pagsasaka sa lalawigan ng Batangas upang magkaroon na sapat na supply ng pagkain sa mga merkado sa kabila ng kinakaharap ng bansa sa mga hamon ng epidemya, ayon sa report.

Inaasahang matutugunan ng mga bagong kagamitan ang pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka sa mas mabilis na paghahanda ng lupang sasakahin at pagtatanim.

Gagamitin ang mga traktora at multi-tiller na inili kamakailan sa mga taniman ng mais, gulay, palay, at iba pang high-value crops. Samantalang ang mga drilling machine ay gagamitin sa paghuhukay para sa water development na mahalaga sa industriya ng agrikultura.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.