Maharlika Fund ipinadedeklarang ‘unconstitutional’ sa Supreme Court

0
132

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupong Bayan Muna upang ideklarang “unconstitutional at void” ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.

Sa petisyong inihain nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dating Congressman Carlos Isagani Zarate, at Ferdinand Gaite, sinabi nila na ang MIF ay isang “disaster waiting to happen.” Kasama rin sa mga petitioner si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel.

Matatandaan na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang MIF upang maging batas, at ito ay pinaniniwalaan ng gobyerno na makakatulong sa paglago ng ekonomiya.

Hiniling din ng mga petitioner sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order o preliminary injustice at status quo ante order upang mapigil ang implementasyon ng nabanggit na batas, at saka magsagawa ng oral arguments.

“Petitioners ask this Honorable Court to intervene in this constitutional transgression and put a stop to this practice—especially on such a dangerous law as the Maharlika Investment Fund Act of 2023,” nakasaad sa petisyon.

Iginiit nila na labag sa Konstitusyon ang batas dahil ito ay mamadaliin ng Kongreso dahil sa pagtatalaga ng Pangulo na “urgent bill.” Ipinunto rin nila na wala namang idineklarang “state of calamity” na nangangailangan ng Maharlika Bill.

Ngunit noong Mayo, ibinasura ng Korte Suprema ang isang petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang sertipikasyon ni Pangulong Marcos na “urgent bill” ang MIF.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.