Maharlika Investment Fund Bill pinirmahan na ni Speaker Romualdez

0
320

Kinumpirma ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez na nilagdaan na niya at ni House Secretary General Reginald Velasco ang Maharlika Investment Fund bill, ayon sa mensahe na ipinadala sa mga reporters.

Ang kopya ng nasabing panukala ay naisumite na ng Kongreso sa Senado noong Lunes, Hulyo 3.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na agad niyang lalagdaan ang Maharlika Bill sa oras na matanggap ito ng kanyang opisina.

“I will sign it as soon as I get it. I think most of the changes that were proposed and eventually adopted really had to do with the safety and the security of people’s pension funds,” ayon sa naunang pahayag ni Pangulong Marcos.

Nilagdaan na rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri noong nakaraang linggo ang “corrected” version ng Maharlika Investment Fund Act.

In-adopt ng Kamara ang Senate Bill 2020 kung saan kasama dito ang probisyon na ang Maharlika Investment Corporation – Board of Directors ay bubuuin ng 9 na miyembro kabilang ang mga sumusunod:

  • Chairperson – Secretary of Finance (ex-officio capacity)
  • Vice Chairperson – President and Chief Executive Officer of the MIC
  • President and CEO ng LandBank
  •  President and CEO ng DBP
  • 2 regular directors (itatalaga ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng Advisory Body na magkakaroon ng 3 taong termino).
  • 3 Independent Directors mula sa pribadong sektor (itatalaga ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng Advisory Body na may termino na 1 taon)
  • Ang Maharlika fund ay magkakaroon ng inisyal na kapital na P500 billion na manggagaling sa central bank, gaming revenues at 2 government-owned banks. 

Itinuring bilang “urgent” ni Marcos, ang MIF bill na magtatatag ng isang sovereign wealth fund na gagamitin upang mamuhunan sa iba’t ibang uri ng ari-arian, kabilang ang mga foreign currencies, fixed-income instruments, domestic at foreign corporate bonds, commercial real estate at infrastructure upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Ang panukalang batas ay naglalayong itatag ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na magiging “sole vehicle for the purpose of mobilizing and utilizing the MIF for investments in transactions in order to generate optimal returns on investments (ROIs).”

Sa ilalim ng iminungkahing hakbang, hindi gagalawin ng MIF ang mga pondo ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), o Home Development Mutual Fund (HDMF). 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.