Mahigit 200 ang dumalo sa PNP Unity Walk ng Majayjay bilang suporta sa anti-crime program

0
174

MAJAYJAY, Laguna. Isinagawa sa pangunguna ng Majayjay Municipal Police Station ang isang Unity Walk bilang bahagi ng programang Anti-criminality at ng pagdiriwang ng Buwan ng Police Community Relations (PCR).

Pinangunahan ito ni PMaj. Rodiard Dela Peña at sinuportahan ni Mayor Romy Amorado.

Sa isang panayam kay Mayor Amorado, sinabi niya na “Ginanap na po natin ang Unity Walk sa pangunguna ni PMAJ Dela Peña, alinsunod na rin po sa ipinatutupad ng National Government. Kaya malugod ko pong ipinaalam sa inyo na maganda at maayos pa rin po ang peace and order sa ating bayan.”

“Ang unity walk na kung saan ipinakikita natin sa lahat, sa buong bayan ng Majayjay na nagkakaisa tayo sa kampanya laban sa kriminalidad. Ang ating ipinopromote dito ay ang Anti-criminality Program gaya ng Anti-rape, Anti-theft, Anti-carnapping, at Anti-drugs,” ayon naman sa pahayag naman ni PMAJ Dela Peña.

Lumagda ang bawat isa upang patunayan ang suporta ng mga mamamayan ng Majayjay sa lahat ng programa ng kapulisan para sa kanilang pamayanan.

Humigit-kumulang 200 katao ang dumalo sa nasabing programa, kabilang ang mga barangay official, mga miyembro ng Majayjay PNP, BFP, at iba’t ibang non-government organization.

Nagpapakita dito ng matibay na suporta ang lokal na komunidad sa mga inisyatibo ng kapulisan tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.