Mahigit 200 estudyante ng isang paaralan sa Quezon, nagklase sa sabungan

0
606

Mulanay, Quezon. Pumasok sa loob ng sabungan at nagklase ang mga mag aaral sa San Isidro Elementary School sa bayang ito dahil napinsala ng nagdaang lindol at bagyo ang kanilang eskwelahan.

Ayon sa pahayag ni Mayor Aris Aguirre, pansamantalang pinagamit ng may ari ng sabungan ang gusali upang hindi mabalam ang araw araw schedule ng klase ng mahigit na 200 na mag- aaral.

Ang apat na bahagi ng sabungan kung saan nakaupo ang mga mananaya sa tupada ay nagsilbing silid aralan at ang pinaka gitna o ruweda ay naging opisina ng mga guro.

Ayon kay Lexter Zulueta, ICT Instructor ng nasabing paaralan, back to basic ang naging approach ng kanilang learning strategy dahil hindi sila makapagturo ng ICT sa mga bata dahil sa kakulangan sa facility na kailangan sa technology subjects 

Sinabi naman niMayor Aguirre na minamadali ng kanyang tanggapan ang rehabilitasyon ng mga nasirang classrooms upang makabalik sa normal na pag aaral ang mga bata.

it KLASE SA SABUNGAN. Nagklase sa sabungan ang mahigit na 200 estudyante sa Mulanay, Quezon dahil sinira ng lindol at bagyo ang kailang eskwelahan.
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.