Mahigit 22.8 Milyong estudyante, nagbalik-eskwela na

0
189

Sa araw na ito, mahigit sa 22.8 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan ay nagbalik-eskwela na.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Department of Education (DepEd) para sa Taong Panuruan 2023-2024, as of alas-9 ng umaga noong Agosto 27, 2023, umabot sa kabuuang 22,381,555 ang mga mag-aaral na nagparehistro para sa darating na taon ng pag-aaral.

Base sa DepEd, ang pinakamaraming estudyante ay nagparehistro sa Rehiyon IV-A na umabot sa 3,446,304. Sumunod sa Rehiyon III (2,527,661); Pambansang Punong Rehiyon (2,468,170); Rehiyon VI (1,703,055); Rehiyon VII (1,686,587); Rehiyon V (1,430,571); Rehiyon XI (1,159,193); Rehiyon X (1,052,230); Rehiyon I (1,016,659); Rehiyon VIII (995,343); Rehiyon XII (961,388); Rehiyon II (815,530); Rehiyon IX (769,064); Rehiyon IV-B (692,576); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) (680,932); Caraga (627,269); at Cordillera Administrative Region (347,482).

Samantala, sa mga Philippine Schools Overseas, naitala ang bilang na 1,541 ng mga naga-enrol.

Ang panahon ng pag-eenroll sa mga pampublikong paaralan ay nagsimula noong Agosto 7 at natapos noong Sabado, Agosto 26.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.